Special session ng Bayanihan 2 , idinulog ni Rep. Rufus kay Pangulong Duterte

by Erika Endraca | June 30, 2021 (Wednesday) | 1695

METRO MANILA – Humiling si Deputy speaker and Cagayan de Oro City Rep.Rufus Rodriguez kay Pangulong Duterte na kausapin ang kongreso upang magkaroon ng special session para i-extend ang Bayanihan 2 o We Recover as one law.

Sakaling hindi ma-extend ang effectivity ng batas, hindi na magagamit pa ang mga natitirang pondo na nailaan para rito.

“Unless we pass another extension bill, the unspent funds would no longer be available,” Ani Rep. Rufus

Batay sa kasalukuyang datos, nasa P18.4 Billion pa mula sa kabuuang P165 Billion pandemic response fund ang hindi pa naipapamahagi.

Dagdag ni Rufus , ang special session ay magbibigay din ng pagkakataon upang aprubahan ng Kongreso ang panukalang Bayanihan 3 na magbibigay tulong pinansyal sa mga mahihirap at iba pang sektor na nagdurusa sa pandemya.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: