Source code ng Vote Counting Machines kinailangang ayusin dahil sa pagiging sobrang sensitibo ng mga makina

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1444

SOURCE-CODE
Kasama sa features ng mga bagong Vote Counting Machines na gagamitin sa may polls ang pagkakaroon ng self diagnostic feature.

May kakayahan itong ma detect ang digital lines na isa sa mga isyung lumitaw noong 2013 elections.

Subalit sa isinagawang testing sa mga makina ni reject nito ang ilang balota.

Ang dahilan masyadong sensitibo ang self diagnostic feature ng VCM at nadedetect kahit ang maliliit na mga spots o mantsa sa balota.

Upang masolusyunan ang problema bababaan ang threshold o sensitivity level ng self diagnostic feature ng VCM.

Dahil dito kinailangang ayusin naman ang source code ng VCM.

Paglilinaw ng COMELEC hindi apektado ng ginawang adjustment ang pagbasa ng makina sa botong ilalagay sa balota.

Bukod sa VCM, kinailangan ding ulitin ang proseso sa pagsasapinal sa source code o program para sa Consolidation and Canvassing System o CCS matapos itong magkaproblema rin.

Nanindigan naman ang poll body na walang dapat ipangamba ang publiko dahil may sapat na panahon pa para ayusin ang problema sa mga makina.

Subalit nababahala ang isang it expert sa mga pangyayari.

“Ngayon may pressure na to rule out systems, were 88 days away from the elections ngayon pa lang uumpisahan yung trusted build. I agree iterative yung process pero yung process na yan ay for normal times not crunch time.” pahayag ni Lito Averia isang IT Expert

Sa sabado magsasagawa naman ng mock elections ang COMELEC upang masubok ang sistemang gagamitin sa halalan sa Mayo.

Sa susunod na linggo naman masisimulan ng COMELEC ang pag imprenta sa mga balota.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , ,