Solusyon laban sa illegal na droga sa bansa, inilabas ng PNP

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 14589

AIDG-Director-PSSupt.-Albert-Ferro
Inihayag na ng Philippine National Police Anti Illegal Drugs Group ang kanilang mga gagawing hakbang upang solusyunan ang problema sa ilegal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Ayon kay AIDG Director PSSupt. Albert Ferro, uunahin nilang ayusin ang kanilang data base ng mga drug user, pusher at runner para sa kanilang profiling.

Ika-clasify din nila ang mga high value at low value targets upang makapag focus ang bawat grupo sa kung sino ang target nila..

Maituturing na nasa level 5 ang mga mahuhuling may hawak ng 100 kilograms pataas.

Level 4 naman ang may hawak ng 10 kilograms hanggang 50 kilograms pataas.

Level 3 ang may 100 grams hanggang 1 kilo pataas.

Level 2 naman ang 25grams hanggang 100 grams pataas at level 1 ang 1 grams to 5 grams pataas.

“34% of all crimes in the country are drug related and 81% of all heinous crime are drug related, if we could stop this illegal drug trade, we could possibly suppressed or make the crimes more lower.” Pahayag ni Ferro.

Aalamin din nila ang status ng mga kasong isinampa nila sa korte.

Magsasagawa rin sila ng massive information campaign sa pamamagitan ng paglalagay sa mga poster ng masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: