Smartmatic tiniyak tama ang ilalabas na datos ng voter’s receipt ng mga Vote Counting Machine

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 5216

BALOTA
Tiniyak ng Smartmatic na kung ano ang nakalagay sa balota ito ang lalabas sa resibo.

Ayon sa tagapagsalita ng Smartmatic ang kanilang mga makina ay naka program na basahin ang shade sa balota.

Dapat lang siguruhinng botante na walang marka ang tatanggapin nilang balota.

Sakaling may lumitaw na ganitong problema, paliwanag ng COMELEC, dapat itong ipaalam o ireklamo ng botante sa BEI Chairman.

Lalagdaan niya ang resibo at panunumpaan ito ng botante sa harap ng BEI at ilalagay sa minutes ng eleksyon na naka-attach ang resibo.

Tiniyak naman ng Smartmatic na hack proof ang kanilang election system.

Subalit pangamba ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal, dapat paghandaan nang COMELEC ang posibilidad na ang website naman na paglalathalaan ng election results ang ma-hack at malagayan ng ibang datos.

Pinuna din ni Larrazabal ang desisyon ng COMELEC na magbigay ng replacement ballot.

Nakasaad sa Section 12 ng COMELEC Resolution Number 10088 o Ang Ammended General Instruction ng COMELEC para sa Board of Election Inspectors, maaring bigyan ng kapalit na balota ang botante kung hindi siya ang may kagagawan kung bakit nirereject ng VCM ang kaniyang balota.

Iginiit naman ni Larrazabal na dapat magkaroon ng massive information campaign ang poll body upang maipaunawa sa lahat ng botante ang mga proseso ng botohan lalo na ang aspeto ng pag iimprenta ng resibo.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: ,