Smart glasses na kayang mag-share sa Social Media ng photos at videos, ibinida sa publiko

by Erika Endraca | September 22, 2021 (Wednesday) | 449

METRO MANILA – Isinapubliko na ng Facebook at Ray-Ban ang pinakabago nilang produkto, ang ‘Ray-Ban Stories’.

Mayroon itong dalawang 5-megapixel cameras sa harap kaya hindi na kailangang kunin pa ng mga netizen ang kanilang mobile phones para mag-capture ng photos at 30-second videos. Maaaring i-activate ang camera sa pamamagitan ng capture button sa gilid o kaya naman sa pamamagitan ng Facebook Assistant voice command.

Madaling makapag-share ang iOS at Android users sa Facebook, Instagram, WhatsApp, Messenger, Twitter, TikTok, Snapchat at iba pang social media platforms dahil connected ito sa Facebook View app. Pwede ring i-save ang photos at videos sa phone at doon na mag-edit at mag-share.

Maaari ring tumawag o makapakinig ng music dahil may open-ear speakers at tatlong microphone ito na may noise suppression algorithm.

Hindi baba sa $299 ang halaga ng nasabing smart glasses na mabibili online at sa mga retail store sa US, Australia, Canada, Ireland, Italy, at UK.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,