Singil sa NLEX tollways, tataas simula sa June 15

by Radyo La Verdad | June 12, 2023 (Monday) | 396

METRO MANILA – May inaasahang pagtaas sa singil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEX) simula sa June 15.

Ayon sa NLEX corporation, ito’y makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang dagdag- singil sa open at closed system.

Sa ilalim ng bagong toll matrix, ang Class 1 vehicles ay magbabayad ng dagdag na  P7, P17  sa  Class 2 vehicles at  P19  para sa Class 3 vehicles.

Sakop ng open system ang Balintawak, Mindanao Avenue, Karuhatan, Valenzuela, Meycauayan hanggang Marilao, Bulacan.

Ang mga dadaan sa NLEX closed system mula Bocaue, Bulacan papuntang Sta Ines sa Mabalacat City ay magbabayad ng karagdagang P26 para sa Class 1, P65 sa Class 2 at P77 para sa Class 3 vehicles.

Ang adjustment ngayong taon ang fourth at last tranche ng 2012 at 2014 adjustments at kalahati lamang ng 2018 at 2020 increases, na ipinatupad upang mapigilan ang epekto ng inflation at mapagaan ang bayarin ng mga motorista.

Tags: ,