Singil sa kuryente tataas ng P0.1761/kwh ngayong Mayo; dagdag-singil posible pa sa Hunyo – Meralco

by Radyo La Verdad | May 12, 2023 (Friday) | 4496

METRO MANILA – Inanunsyo na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Magkakaroon ng dagdag-singil na P0.1761\kwh ngayong buwan ng Mayo.

Ibig sabihin sa pamilyang kumokonsumo ng 200 kwh, magkakaroon ng dagdag-singil na P35.

Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang dagdag singil sa kuryente ay bunga ng pagtaas sa generation charge na naging epekto naman ng mataas na singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Power Supply Agreement (PSA).

Posible ring tumaas pa sa susunod na buwan ang singil ng kuryente dahil sa mataas na konsumo mula Marso hanggang Hunyo.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: