Inaasahan na hindi tataas ang generation charge ng Manila Electric Company o MERALCO ngayong buwan ng Hunyo.
Ito ay dahil sa matatag na presyuhan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.
Paliwanag ng MERALCO, mababa ang presyo ng natural gas na siyang nagkaroon ng epekto sa generation charge ngayong buwan.
Dagdag nito, nakatulong din sa mataas na suply ng kuryente ang maraming mga planta na tumatakbo ngayon.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Hunyo, Meralco, Singil sa kuryente