Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Pebrero

by Radyo La Verdad | February 9, 2024 (Friday) | 4362

METRO MANILA – Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Pebrero.

Sa abiso ng power distributor, tataas ng P0.57 per kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng generation charges, buwis, at iba pang bayarin na nakapaloob sa electric bill.

Nangangahulugan ito ng dagdag P115 sa bill ng mga customer na umaabot sa 200 kilowatt hour ang konsumo.

Dagdag na P172 kung 300 kilowatt hour ang konsumo at P229 kung 400 kilowatt hour ang consumption.

Nasa P287 na dagdag sa bill kung inaabot ng 500 kilowatt hour ang konsumo sa kuryente.

Tags: ,