Singil sa kuryente ng Meralco, muling bababa Ngayong buwan.

by Erika Endraca | July 9, 2019 (Tuesday) | 9431
MERALCO

MANILA, Philippines – Magpapatupad muli ng bawas singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customer ngayong hulyo sa ikatlong sunod na buwan.

Batay sa anunsyo ng meralco bababa ng halos ng  P0.11 per kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Ibig sabihin kung ang isang customer ay kumokonsumo ng 200 – kilowatt hour sa isang buwan, 21 pesos naman ang mababawas sa kanilang bill sa kuryente.

Habang 32-pesos sa kada three hundred-kilowatt hour na konsumo, forty-three pesos kung umaabot sa four hundred-kilowatt hour ang nagagamit na kuryente habang fifty-three pesos naman sa kada five hundred-kilowatt hour.

Paliwanag ng meralco, ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunsod ng bawas singil sa transmission charge gayundin ang reset cost adjustment na ipinagutos ng energy regulatory commission na dapat ibalik sa mga customer.

“Ito yung cost para magconduct na isang rate review ng mga distribution utilities ito po ay nagaapply sa lahat ng distribution utilities para sa meralco it was equivalent to a refund na 7 centavos per kilowatt hour.”ani Meralco’s utility economics head Larry Fernandez

Mula mayo umaabot na sa P0.57 per kilowatt hour ang ibinababa ng singil sa kuryente.

Samantala, itinanggi naman ng meralco ang naging pahayag ng solar philippines kung saan sinabi nito na sila ang dahilan kung bakit bumaba ang presyo ng kuryente ngayong buwan.

Ayon sa meralco sa ngayon ay wala pa silang kinukuhang supply ng kuryente na nangagaling mula sa solar philippines Tarlac farm dahilan upang doon nila ibatay ang bawas singil.

Pinakamalawak at kauna-unahan ang tarlac solar farm sa bansa na magsu-supply ng kuryente sa meralco sa ilalim ng power supply agreement.

Kaya nitong makapag-produce ng one hundred fifty megawatts ng kuryente na makatutulong upang maibsan ang problema ng rotational brown-out na dulot ng manipis na suplay ng kuryente kung minsan.

“Well if you will look at the data it is really the transmission charge and the erc directive that drove the prices dow.n” ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga

Sa ngayon hindi pa masabi ng meralco kung magtutuloy-tuloy pa sa mga susunod na buwan ang pagbaba ng singil sa kuryente.

 (Joan Nano | Untv News)

Tags: ,