Bababa na naman ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, singkwenta’y siyete sentimos ang mababawas sa kada kilowatt hour bunga ng bumabang generation charge.
Kabuuang isandaan at labing-apat na piso ang matitipid sa babayarang kuryente ng mga kumu-konsumo ng nasa 200 kilowatt hour; P170 naman sa mga kumu-konsumo ng 300 kilowatt hour.
P227 sa may 400 kilowatt per hour consumption habang P284 naman sa mga umaabot sa 500 kilowatt hour ang konsumo.
Ito na ang ika-limang sunod-sunod na rate reduction ng Meralco mula noong Mayo 2015.
Tags: Meralco