Singil sa kuryente ng MERALCO bababa ngayong Hunyo

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 3074

MON_MERALCO
Labing tatlong na sentimo kada kilowatt hours ang ibababa ng singil sa kuryente ng MERALCO ngayong buwan ng Hunyo.

Ibig sabihin ang mga komokonsumo ng 200 kwh ay makakatipid ng P26, ang 300 kwh makakatipid ng P39 ang 400 kwh ay makakatipid ng P52 habang P65 naman para sa komokonsumo ng 500 kwh.

Ang pagbaba sa generation charge ay dahil sa matatag na presyuhan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market.

Ang WESM ay ang merkado kung saan nagbebenta at bumibili ng kuryente ang mga generation companies gaya ng MERALCO.

Nakatulong rin ang mababang presyo ng natural gas upang mapababa ang presyo ng kuryente ngayong buwan.

Ang MERALCO ay kumukuha ng supply ng kuryente sa malalaking natural gas power plant gaya ng Sta.Rita at San Lorenzo.

Ang mga natural gas naman mula sa Malampaya ay apektado ng mababang presyuhan ng produktong petrolyo sa world market.

Marami ring mga available na power plant noong nakaraang buwan kung kayat marami ang supply na nakatulong upang mapababa ang presyo.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,