Singil sa kuryente bababa ngayong buwan ng Abril – Meralco

by Radyo La Verdad | April 19, 2024 (Friday) | 2436

METRO MANILA – Ipatutupad na ng Meralco ang halos P1 bawas sa singil sa kada kilowatt hour ng kuryente.

Ibig sabihin ang mga kasangbahay natin na kumokonsumo ng nasa 200 kilowatt hour kada buwan ay nasa halos P200 rin ang maaaring matipid.

Ngayong Abril ay siguradong mararamdaman na ito ng ating mga kasangbahay.

Samantala, nagpapaalala pa rin ang Meralco na magtipid sa pagkunsumo dahil mayroon pa rin tyansyang magtaas ito lalo na ngayong nakakararanas tayo ng matinding init ng panahon.

Tags: ,