Simulation sa pagdaan ng mga sasakyang gagamitin sa SEA Games isasagawa ng MMDA Bukas (Nov. 14)

by Erika Endraca | November 13, 2019 (Wednesday) | 4693

METRO MANILA – Magsasagawa ng simulation Bukas (Nov. 14) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa convoy ng mga atleta at delegado na dadalo sa SEA Games 2019. Kasama rin sa kalsada apektado ng convoy ang North Luzon at South Luzon Expressways.

Apektado rin ang iba pang lugar gaya ng Mindanao Avenue,North Avenue, Quirino Highway,Pasay City, Taft Avenue, at Magallanes. Mula sa iba’t-ibang mga hotel sa Tagaytay,Pasay, Manila, Subic at Clark Pampanga, babagtasin ng convoy ang mga pangunahing kalsada hanggang sa makarating sa arena sa Bulacan. Kung saan ipatutupad ng MMDA ang Stop and Go Scheme

“Kapag nandyan na yung convoy eh,centralized yung command at least kapag malapit na ititigil mo na so magtataka yung mga kababayan natin bakit kami tinitigil? So ibig sabihin po nun may paparating pong convoy pero paglagpas po nung convoy rest assured back to normal na po yung traffic”ani MMDA Assistant Secretary and Spokesperson Celine Pialago.

Dadaan ang convoy  sa yellow lane at walang ilalaan na special lane para sa mga ito.Wala ring isasarang mga kalsada ang MMDA para sa simulation. Maguumpisa ang dry run Bukas ng ala-1 hanggang alas-4 ng hapon.

Bukod sa simulation bukas, may rehearsal rin sa november 26, 4 na  araw bago ang opening ceremony ng SEA Games.Inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na asahan na ang lalo pang paglala ng traffic sa Metro Manila sa araw na ito dahil kasama na rin sa sasanayin ang paghahatid sa mga bisitang dadayo upang manood ng mga laban sa SEA Games.

Tags: