Siklista na sumemplang sa isang highway sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | March 20, 2017 (Monday) | 2070


Napahinto ang grupo ng mga siklistang ito matapos sumemplang ang bisikleta ng isa nilang kasamahan habang binabaybay ang national highway ng Barangay Nueva San Pedro, Laguna magaalas siyete ng umaga kahapon.

Nagtamo ng gasgas sa kanang tuhod ang biktima na kinilalang si Jess Bersabe, 60 anyos.

Rumesponde sa insidente ang UNTV News and Rescue Team at nilapatan ng paunang lunas ang tinamong pinsala ng biktima.

Ayon kay Bersabe, biglang pinulikat ang kaniyang kanang binti kaya nawalan ng kontrol sa bisikleta at natumba sa kalsada.

Tumanggi na itong magpadala sa ospital matapos lapatan ng paunang lunas ng grupo.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,