Shell at Seaoil, magpapatupad ng P1 kada litrong dagdag-presyo sa produktong petrolyo bukas

by Radyo La Verdad | June 15, 2015 (Monday) | 1305

File photo

File photo


Magpapatupad ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis

Batay sa anunsyo ng Pilipinas Shell at Seaoil, epektibo mamayang alas dose uno ng madaling araw, piso at limang sentimos ang idaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina

Habang labing limang sentimo naman sa bawat litro ng diesel at kerosene.

Samantala, inaasahang susunod na rin na magpapatupad ng price increase ang iba pang kumpanya ng langis.

Tags: ,