Shabu lab sa Angeles City, Pampanga, niraid ng PNP-AIDG at PDEA

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 1213

BRYAN_BUY-BUST
Sa bisa ng isang search warrant pinasok ng pinagsanib na pwersa ng Philipine Drug Enforcement Agency at PNP-Anti Illegal Drug ang isang bungalow type na bahay sa number 27 Villa Dolores Subdivision, Barangay Sto.Domingo, Angeles City.

Tumambad ang nasa 45 gallon ng liquid shabu, hydrogenator, suction pump at ibat ibang gamit sa pagawa ng illegal na droga

Ayon sa PNP-AIDG, tinatayang nasa 1.1billion na halaga ng shabu ang nakumpiska.

Ang nasabing bahay ay dating pagmamay-ari ng actor na si Robin Padilla at nabili ng isang Atty.Orlando Pangilinan.

Ayon sa home owners association, inuupahan ng mga intsik ang bahay at nasa 8-9 months palang silang umuupa.

Ipinahayag naman ng mga kapitbahay na hindi regular ang pag-uwe ng mga tenant sa bahay na may kasamang mga babae.

Dis oras na rin ng gabi kung dumating ang mga ito at ilang linggo na rin silang hindi nakikita.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,