Sentimiyento ni dating SAF chief retired P/Dir. Getulio Napeñas, naiintindihan ng bagong pinuno ng pambansang pulisya

by Radyo La Verdad | July 20, 2015 (Monday) | 1219

getulio-napenas
Naiintindihan ni PNP chief P/Dir.Gen. Ricardo Marquez ang sentimiyento ni dating Special Action Force chief retired P/Dir. Getulio Napeñas.

Kaugnay sa umanoy hindi pagkilala ng PNP sa mahigit 30yrs niya sa serbisyo dahil sa hindi pagbibigay dito ng retirement honor na ibinibigay ilang araw bago magretiro ang isang opisyal.

Ayon kay Marquez, may karapatan si Napeñas na sumama ang loob at magtampo.

Kaugnay nito’y handa naman aniya syang kausapin ang kanyang mistah kung kinakailangan.

Si Gen. Napeñas ay nagretiro na sa serbisyo noong Sabado, July 18.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)