Senator JV Ejercito, pinayagan ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa

by Radyo La Verdad | June 20, 2017 (Tuesday) | 4921


Pinayagan ng Sandiganbayan ang hiling ni Senador JV Ejercito na makapunta ng France simula June 27 hanggang July 3.

Si Ejercito ay kabilang sa delagasyon ni Senate President Koko Pimentel para sa inter-parliamentary visit nito sa naturang bansa.

Ayon kay Ejercito makikipagpulong rin siya sa French Senate, France Inter-Parliamentary Group at French Constitutional Council.

Si Ejercito ay nahaharap sa kasong technical malversation kaugnay ng maanonalyang pagbili ng mga high powered firearms noong siya ay alkalde pa ng San Juan City.

Tags: ,