Senator Juan Ponce Enrile,balik PNP General Hospital na

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 1497

IMAGE_FEB262015_UNTV-News_JUAN-PONCE-ENRILE

 

(Update) Nakabalik na kahapon umaga sa PNP General Hospital sa Camp Crame si Senator Juan Ponce Enrile.

Matatandaang Pebrero 26 nang isugod ang matandang senador sa Makati Medical Center dahil sa pneumonia.

Ayon kay PNP Health Service Spokesman P/Chief Inspector Dr. Raymond Santos, batay sa impormasyon ng mga doktor ni Enrile sa Makati Med, wala nang iniinda ang senador.

Tanging maintenance medicine ang iniinom nito ngayon.