Senator Antonio Trillanes IV, hindi matitinag sa libel case na isinampa ni Makati Mayor Junjun Binay

by dennis | April 15, 2015 (Wednesday) | 1414

TRILLANES

Nanindigan si Senator Antonio Trillanes na tuloy tuloy ang pagsisiwalat niya ng mga anomalya laban sa mga Binay sa kabila na pagsasampa ng kasong libelo noong Lunes sa Makati City Prosecutor’s Office ni Mayor Junjun Binay.

Bunsod ito sa naging pahayag ng senador na may dalawang mahistrado ng Court of Appeals ang binigyan umano ng suhol ni Mayor Binay upang makapagpalabas ang mga ito ng TRO laban sa suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman.

Bukas, sa pagpapatuloy ng Senate hearing, Ayon kay Trillanes, makakaasa umano ang taumbayan na marami pa siyang isisiwalat na anomalya laban sa mga Binay mula sa kanyang mga trusted sources.

Ilan sa mga isyu na ikinakabit sa pamilya Binay ang umano’y overpriced Makati City Parking II Building, ang Alphaland-Boy Scout deal at ang transaksyon ng PAGIBIG at Globe Asiatque Corportation na dininig noong nakaraang Lunes.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , , ,