Mas magiging produktibo ang mga empleyado ng Pamahalaan kung maisasabatas ang Salary Standardization Bill.
Ito ang paniniwala nina Senate President Franklin Drilon at Senador Loren Legarda na may akda ng nasabing panukalang batas.
Nakasaad sa panukala ang pagkakaroon ng 45% increase sa kabuuang kompensasyon ng mga government employee sa loob ng apat na taon.
Panahon na rin anya upang i-adjust ang sahod ng mga taong katuwang ng pamahalaan sa paglilingkod sa mamamayan.
Sinabi naman ng co-author ng panukala na si Finance Committee Chair Loren Legarda, target nilang maipasa sa Senado ang Salary Standardization Bill ngayong buwan.
Sinabi ni Senador Angara tila mababalewala rin ang pagpapataas ng sweldo sa mga government employees dahil tataas rin naman ang buwis ng mga ito
Kayat nararapat aniya na magkapagpasa rin ng batas upang magkaroon naman ng tax reforms.
Sinangayunan ito ni Senadora Legarda.
Sa bill nina Drilon at Legarda bukod sa pagtaas ng sahod sa government personnel ay tataas rin ang allowances at benefits ng mga government employee.
Gaya ng 14 month pay, mid year bonus at performance based bonus na dapat ay katumbas o doble ng monthly salary.(Bryan De Paz/UNTV Correspondent)
Tags: Salary Standardization Bill, Senado, Senate President Drilon, Senator Legarda