Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, kinuwestiyon ang timing ang paghahain ng kaso sa ilang opposition senator sa panahon ng kampanya

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 3674

MERYLL_ENRILE
Nagtataka si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile kung bakit sa panahon ng eleksyon naglabasan ang kaliwa’t-kanang kaso ng mga kandidatong hindi kaalyado ng administrasyon.

Reaksiyon ito ni Enrile sa plunder charges laban kay Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr at kasong graft naman kay Senador Joseph Victor Ejercito na pawang mga oposisyon.

Naniniwala si Enrile na ito ay dahil sa pagkandidato ni Marcos bilang pangalawang pangulo,

Nagtataka rin si Enrile kung bakit ang ibang mambabatas na kaalyado ng administrasyon na may ireguliridad sa paggamit ng pork barrel ay hindi kinakasuhan.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma walang kinalaman ang pangulo sa plunder case na isinampa kay Marcos ng Anti Corruption Group.

(Bryan De Psz / UNTV Correspondent)

Tags: ,