Senador Cynthia Villar, nagsumite ng manifestation letter kay Sen. Grace Poe re: Mamasapano probe result

by monaliza | March 20, 2015 (Friday) | 1269
File Photo: UNTV News

File Photo: UNTV News

Nagsumite na si Senador Cynthia Villar ng kanyang manifestation sa Senate Inquiry ukol sa Mamasapano Incident.

Kasunod ito ng inilabas ni Senador Grace Poe na Chairperson ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na committee report.

Kabilang sa manifestation ni Villar ang kakulangan ng equipment at personnel ng Armed Forces of the Philippines, ang pag-assess sa military strategy sa Mindanao, pagpapahalaga sa chain of command at pag-promote ng magandang relasyon ng AFP at PNP.

Nasa manifestation rin ni Villar ang goodwill at trust building ng MILF at gobyerno.

Kabilang si Senador Villar sa lumagda sa committee report ng senado ukol sa mamasapano probe.

Tags: , , ,