Nagsimula nang tumanggap ang senado sa pangunguna ni Senate President Franklin Drilin ng mga balotang naglalaman ng Certificate of Canvass (COCs) at Election Returns para sa Presidential at Vice Presidential elections.
Unang tinanggap ng senado ang COCs at ERs mula sa San Juan City dakong alas nueve kwarenta ng umaga.
At sinundan naman ito ng lunsod ng Malabon. Nandito na rin ang COCs at ERs ng Pateros ngunit hindi pa ito pwedeng tanggapin dahil partial pa lamang ito at kailangan pang hintayin ang Taguig City.
Ang pagtanggap ng Senado ng mga Election Returns at Certificate of Canvass ay mandato sa ilalim ng Article VII,Section 4 ng 1987 Constitution
Ang lahat ng mga balotang matatanggap ng Senado ay dadalhin ng Senate President sa kamara upang doon mag convene bilang National Board of Canvassers.
Samantala, sinabi naman ni Senator Drilon, na sa Mayo a-23 ay muling magbubukas ang sesyon ng senado upang tapusin ang mga nakabinbing panukalang batas na nasa 2nd and 3rd reading na.
(Meryll Lopez / UNTV Correspondent)
Tags: mga Certificate of Canvass at Election Returns, Senado