Nakikiramay ang buong Senado sa bansang Nepal at sa mga karatig bansa nito matapos maganap ang isa na namang lindol sa nabanggit na bansa.
Wala pang tatlong linggo ang nakakaraan ay mahigit sa 8,000 ang namatay at ikinasugat naman ng mahigit sa 17,000 mamayan doon.
Ayon sa US Geological Services, niyanig ng 7.4 magnitude na lindol ang kanlurang bahagi ng Nepal malapit sa border ng China.
Batay sa Senate Resolution No. 1301 na isinumite ni Senator Manuel Lapid, muling nagpapahatid ng pagdadalamhati ang Pilipinas sa nangyaring trahedya sa Nepal.
Samantala, ini-adopt naman ni Senator Cynthia Villar ang Senate Resolution No. 1328 ni Senator Lapid na nagpapahayag din ng pakikiramay sa pamilya ni Philippine Ambassador to Pakistan Domingo Lucenario Jr na nasawi sa isang helicopter crash sa Naltar Vallry, Pakistan noong May 8 kabilang ang sampu pang ibang dayuhan.(Meryll Lopez/UNTV Radio)
Tags: Cynthia Villar, Lito Lapid, Nepal, Senado