Senado, magsasagawa ng pagdinig sa Huwebes hinggil sa operasyon ng mga TNC

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 2834


Ipatatawag sa Huwebes ng Senate Committee on Public Services ang mga opisyal ng LTFRB. Kasama ang mga kinatawan ng uber grab at u-hop kaugnay sa gagawing imbestigasyon hinggil sa sistema ng operasyon ng mga Transport Network Company.

Kasama rin sa mga imbitado sa pagdinig ang Commuters Safety Group, ilang mga transport expert at grupo ng mga TNVS drivers.

Inaasahang tatalakayin sa naturang pagdinig ang isyung kinakaharap ng libo-libong mga TNVS driver na bumibyahe nang walang prangkisa. Sa pananaw ng National Center for Commuters Safety and Protection Group, nararapat lamang na masaklaw ng batas ang mga TNC para na rin sa kapakanan ng kanilang mga pasahero.

Sang-ayon din ang grupo sa hakbang ng LTFRB na maiayos at malagyan ng maayos na regulasyon at mga patakaran ang operasyon ng mga tnc, upang maging patas sa iba pang mga pampublikong sasayan.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang mga pag-uusap ng LTFRB at mga TNC upang maiayos ang kanilang sistema at maresobla ang isyu ng nakabinbing mga prangkisa at accreditation.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,