Sen. Trillanes, maghahain ng COC sa pagka-bise presidente sa Oct. 14

by Radyo La Verdad | October 13, 2015 (Tuesday) | 1276

trillanes

Maghahain ng certificate of candidacy sa pagka-bise presidente si Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV sa Miyerkules, Oktubre 14.

Ayon kay Trillanes, hindi pa sapat ang kanyang kakayahan upang tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Ito rin aniya ang lumabas sa pagkokonsulta at pag-iikot niya bago magdesisyong kumandidato sa darating na halalan.

Kabilang naman sa mga makakatungali ni Trillanes sa posisyon sina Camarines Sur. Rep. Leni Robredo, Sen. Francis “Chiz” Escudero, Sen. Gringo Honasan, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Bongbong Marcos.

Sa kasalukuyan, si Honasan at si Marcos pa lang ang nakakapaghain ng kanilang certicate of candidancy.

Tags: , ,