Naki-usap si Sen. Bong Revilla sa Sandiganbayan 1st Division na payagan siyang makadalo sa debut ng kanyang anak sa sabado.
Sa mosyon ni Revilla sinabi nitong bilang magulang ni Ma. Franzel Laudette Baustista, gusto niyang dumalo sa napakahalagang yugto sa buhay ng kanyang anak.
Ayon sa senador, gaganapin ang debut sa Bellevue Hotel sa Alabang sa sabado mula as siete hanggang alas diez ng gabi.
Nagpasalamat naman ang senador sa mga nakaraang pabor na ibinibigay ng Sandiganbayan sa kanyang mga hiling na medical check-up sa labas ng PNP Custodial Center, at sinabi nitong kung hindi naman kalabisan ay sana ay payagan siyang muli ng korte.
Kasaluyang nakaditine si Sen. Revilla sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam. ( Joyce Balancio / UNTV News )
Tags: Sen. Bong Revilla