Sen. Ralph Recto, unang re-electionist na naghain ng Certificate of Candidacy

by Radyo La Verdad | October 14, 2015 (Wednesday) | 1457

recto and vilma comelec

Dumating kaninang hapon si Senator Ralph Recto kasama ang kaniyang may bahay na si Batangas Governor Vilma Santos at ang kanilang anak na si Ryan.

Sa kasalukuyan, Si Senator Recto pa lamang ang re-electionist na nakakapag hain ng kaniyang certificate of candidacy.

Ilan sa mga plataporma na inihain ng senador ay ang libreng pampublikong edukasyon sa kolehiyo, universal health care, pagpapababa sa presyo ng mga pagkain sa pamamagitan ng pag-iinvest sa sektor ng agrikultura, trabaho sa mga Pilipino na may mataas na sweldo at mas mababang buwis, reporma sa polisiya ng pagpapautang ng Land bank at DBP.

Si Recto ay tatakbo sa ilalim ng Liberal party.

Tags: , , ,