Inaprubahan ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Senador Jinggoy Estrada na makapagpa-tingin sa doktor dahil sa iniindang sakit sa kaliwang tuhod.
Pinayagan ito ng Sandiganbayan na sumailalim sa MRI at x-ray batay na rin sa payo ng doktor matapos hindi bumuti ang kondisyon sa kabila ng ginawang pagpapahinga at pag-inom ng gamot.
Bukas nakatakdang lumabas ng kanyang detention cell sa Camp Crame si Estrada.
Tags: pinayagan ng Sandiganbayan na magpacheck-up, Sen. Jinggoy Estrada