Sen. Grace Poe, iginiit na kwalipikado siyang tumakbo sa kahit anong mataas na posisyon sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | June 3, 2015 (Wednesday) | 2081

GRACE POE-1
Sinagot ni Senadora Grace Poe ang ipinahayag ni Representative Toby Tiangco sa press conference na hindi umano ito kuwalipikadong tumakbo bilang Presidente o Vice President ng bansa.

May mga dokumento umano sya na magpapatunay na 2005 pa lamang ay naninirahan na siya sa Pilipinas tulad ng transcript of records ng kanyang mga anak at documento ng kanilang bahay.

Sinabi naman ng kampo ni Binay hindi daw nais ng Bise-Presidente at maging ng una na isiwalat ang residency issue kay Poe.

Gayunpaman, nasilip ni Rep. Tiangco na importante itong malaman ng publiko.

Sa isang pahayag sinabi naman ni Senator Nancy Binay na wala silang permisong ibinigay kay Tiangco upang talakayin at ang eligibility ni Senator Poe upang kumandidato sa pagka-Bise Presidente at Presidente ng bansa.

Hindi naman nananiniwala si Grace Poe na hindi alam ng Bise Presidente ang ukol sa pagpapalabas ng naturang isyu.

Ayon naman sa Comelec, hindi pa nila masasagot ang mga katungan kaugnay ng qualification ni Poe na tumakbo bilang Presidente dahil hindi pa naman ito nagdedeklara.

Tags: , , ,