Sen. Grace Poe, handang harapin ang mga kumukuwestiyon sa eligibility nito

by Radyo La Verdad | June 11, 2015 (Thursday) | 1137

REP JACINTO PARAS
Hindi pa man nagdedeklarang tumakbo sa pinakamataas na posisyon si Sen. Grace Poe kaliwa’t kanang batikos ang binabato sa kanya.

Maghahain ng disqualification case si dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras laban kay Poe kapag nag-file na ito ng Certificate of Candidacy sa darating na Oktubre.

Kukuwestiyunin ni Paras ang kanyang citizenship at kakayahan nito na pangunahan ang bansa dahil baguhan pa lamang sa pulitika.

Sinabi naman ni Senadora Grace Poe na handa siyang harapin ang anumang disqualification case na isasampa laban sa kanya sakaling tumakbo siya bilang Pangulo o pangalawang Pangulo ng bansa.

Ayon sa senadora, mas mabuti nang sampahan siya ng disqualification kaysa sa mas mabigat na kaso na umano’y kinahaharap ng iba.

Sa ngayon ay humihingi pa ang senadora na mas mahabang panahon bago magpasyang magdesisyon kung tatakbo sa susunod na halalan para sa mataas na posisyon.

Paliwanag nito marami pa siyang dapat ikunsedera bago magdesisyonng kumandidato bilang Presidente o Bise Presidente.

Tags: ,