Sen. Grace Poe at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, nagkasabay sa pangangampanya sa Pangasinan ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 12, 2016 (Friday) | 1773

POE-MARCOS
Sa ika-apat na araw ng kampanya, tuloy-tuloy pa rin sa paglilibot ang mga kumakandidato para sa national position.

Ngayong araw, nagkasabay sina Presidential Candidate Senator Grace Poe at Vice Presidentiable Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangangampanya sa lalawigan ng Pangasinan.

Unang binisita ni Senator Grace Poe ang mga malalaking unibersidad ng lalawigan kasama si Senator Chiz Escudero at ilan pang kapartido.

Tiwala si Poe na makukuha nya ang solid na boto ng mga taga pangasinan dahil dito ipinanganak ang ama nitong si Fernando Poe Jr.

Bukod kay Poe, mainit ding tinanggap ng mga Pangasinense si Senator Bongbong Marcos kaya’t positibo ito sa kanyang sa ilang araw nyang pag iikot sa mga probinsya sa norte.

Hindi naman nakasama ni Marcos sa pag iikot ang running mate nito na si Sen.Miriam Defensor Santiago dahil bukod sa nakatutok ito sa mga unibersidad ay may karamdaman ito.

Tags: , ,