Sen. Ejercito, suportado ang pagtatatag ng MIMAROPA Region

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 771

SEN JV EJERCITO
Suportado ni Senador Joseph Victor Ejercito, ang Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, ang pagtatatag ng MIMAROPA Region upang palakasin ang ekonomiya, turismo at agrikultura.

Isinagawa ang pagdinig kahapon sa House Bill 5511 na layong gawing rehiyon ang MIMAROPA o Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Sa kasalukuyan ay bahagi pa ito ng Region IV-A.

Naniniwala si Ejercito na dapat magamit ang resources ng MIMAROPA bilang isang agricultural at tourism region.

Tags: ,