Sen. De Lima, maghahain ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang sunod-sunod na pagkakapatay sa mga umano’y tulak ng droga

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 1327

BRYAN_IIMBESTIGAHAN
Halos araw-araw ay laman ng balita sa radyo, telebisyon at dyaryo ang sunod-sunod na pagkakapatay sa umano’y mga illegal drug pushers dahil nanlaban sa mga otoridad.

Bukod pa ito sa mga summary executions, sa mga bangkay ay may nakapatong na karatula na “drug pusher ako kuwag tularan”.

Ayon kay Senador Leila De Lima, nakababahala ang ganitong mga pangyayari bago pa man magpalit ng administrasyon kaya’t dapat ng ma- imbestigahan ng senado.

Layunin ng imbestigasyon na alamin kung lehitimo ang mga operasyon at hindi lumabag sa batas ang pagdakip sa mga suspect.

Sinabi pa ni Sen. De Lima hindi dapat na maging pattern ang ganitong uri ng pagpatay sa mga sangkot sa illegal drugs dahil makakasama ito sa imahe ng bansa.

Ayon kay Senador De Lima nais nyang makabuo ng panukalang batas batay na rin sa kalalabasan ng imbestigasyon ng senado upang walang maipuntos sa operasyon ng PNP at PDEA laban sa illegal drugs.

Ito ang kauna-unahang resolusyon ni Senador De Lima na ihahain s pagbubukas ng sesyon ng Senado sa July 25.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,