Seguridad sa musoleyo ni dating Pangulong Marcos, hinigpitan

by Radyo La Verdad | November 11, 2016 (Friday) | 1233

marcos-burial
Patuloy na dumadagsa sa musoleyo ni former President Ferdinand Marcos sa Batac, Ilocos Norte ang mga turista at Marcos supporters na nais masilayan ang labi ng dating pangulo bago ito ilipat sa Libingan ng mga Bayani.

Bagaman wala pang tiyak na petsa kung kailan isasagawa ang proseso, sinimulan na ng Batac Police ang paglalatag ng seguridad at traffic rerouting scheme lalo’t inaasahan nilang mas dadami ang pupunta sa musoleyo.

Kabilang sa mga isasarang kalsada ang Marcos avenue at Washington avenue na daanan papunta sa Ferdinand Marcos Presidential Center.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa 24th infantry battalion ng Philippine Army at Ilocos Norte Provincial Police para sa dagdag na seguridad dahil inaasahan na rin nila ang pagsasagawa ng protesta ng Anti-Marcos groups.

Tags: ,