Hindi pa bumubugso ang mga taong dumarating sa Manila Memorial Park. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghihigpit sa mga pumapasok dito sa sementeryo.
Dalawang gate ang binuksan dito sa Memorial Park para sa mga pumapasok na mga bisita ngunit kailangan muna silang dumaan sa mga inspeksyon.
Bawal pa rin ipasok dito ang mga matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, radyo at mga nakalalasing na inumin.
Katulong ng mga tauhan ng Philippine National Police ang mga barangay tanod ng Paranaque City.
Wala pa namang naiuulat na anumang untoward incident magmula kaninang umaga.
Pinag-iingat naman ng mga otoridad ang mga taong bumibisita dito na mag-ingat sa mga nagsasamantala na mga masasamang loob.