Seguridad sa Davao Region, mas pinaigting kaugnay ng pagdiriwang ng Kadayawan Festival

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 1829

Isang araw bago ang pagbubukas ng Kadayawan Festival sa Davao City, mas pinaigting pa ng Philippine Coast Guard Eastern Mindanao ang seguridad sa mga baybayin na sakop ng Davao Region.

Ipinahayag ni Col. Marco Gines, acting deputy commander ng Phil. Coast Guard Eastern Mindanao, bukod sa pagbabantay sa karagatan, nagtalaga din sila ng mga tauhan na tutulong sa pagbabantay sa mga lugar na dadagsain ng mga tao sa lungsod.

Naghigpit ng seguridad ang mga otoridad sa Davao City, kasunod na rin ng mga pambobombang nangyari sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Limang libong pulis at tauhan ng Task Force Davao ng Armed Forces of the Philippines ang idedeploy bukas sa syudad kaugnay ng pagsisimula ng Kadayawan Festival.

Noong nakaraang linggo, inilagay na sa full alert status ang pwersa ng Davao police at Task Force Davao kaugnay ng taunang selebrasyon.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,