Seguridad ng PNP sa huling SONA ni Pang. Benigno Aquino III mas hihigpitan

by Radyo La Verdad | July 21, 2015 (Tuesday) | 1063

PAGDILAO
Magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad ang Philippine National Police sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Quezon City Police District Director P/CSupt Joel Pagdilao, handang handa na ang kanyang mga tauhan na itatalaga sa lunes.

Partikular na pagtutuunan ng pansin ng PNP ang seguridad sa paligid ng kongreso dahil tinatayang aabot sa anim hanggang pitong libong raliyista ang tutungo sa Batasan sa lunes na mas malaking bilang, kumpara noong nakaraang SONA ng Pangulo.

Idinagdag pa ni Pagdilao na lunes pa lamang ng madaling araw ay sarado na sa mga motorista ang bahagi ng Commonwealth Avenue sa tapat ng Ever Gotesco.

Sinabi pa nito na pupulungin rin nya bukas ang mga lider ng mga militanteng grupo upang pag-usapan ang mga alitintunin upang maiwasan ang gulo at tensiyon sa pagsasagawa ng kilos protesta.

Muling iginiit ng heneral na mahigpit nilang ipatutupad ang no permit, no rally policy.

Panawagan pa ng pinuno ng QCPD sa mga raliyista, gawin ng maayos ang kilos protesta at iwasan ang pagdadala ng mga bladed weapon na mahigpit nilang ipinagbabawal.

Tags: