Security guard na naaksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

by Radyo La Verdad | July 26, 2017 (Wednesday) | 2092


Nagtamo ng mga gasgas sa mukha, kamay at tuhod ang isang motorcycle rider nang maaksidente sa Roosevelt Ave. sa Quezon City pasado alas dose kaninang madaling araw.

Ayon sa biktimang si Allan Attad, papasok na siya sa kanyang trabaho bilang security guard nang bigla umano siyang i-cut ng isang kotse.

Iniwasan niya ito ngunit nawalan siya ng kontrol sa motorsiklo at natumba.

Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue team ang mga sugat ni Attad. Tumanggi na itong magpahatid sa hospital.

Hindi naman niya nakuha ang plate number ng kotse na agad umanong umalis matapos ang pangyayari.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,