Sec.Mar Roxas at Rep.Leni Robredo, nakapaghain na ng kanilang Certificate of Candidacy

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 3964

AIKO_MARLENI
Nagsimulang dumating ng bandang alas otso ng umaga sina Sec.Mar Roxas at Rep.Leni Robredo at ang ilang miyembro ng Liberal Party sa harap ng Palacio Del Gobernador.

Pasado alas nueve naman sila nakapaghain ng kanilang Certificate of Candidacy para sa Presidential At Vice Presidential Race para sa 2016 elections.

Kanina sa intrview area dito sa loob ng Comelec inilahad nila na ipagpalatuloy nila ang naumpisahan ng Pangulong Aquino sa programa ng administrasyong Daang Matuwid.

Nagpsalamat naman si Rep.Leni robredo sa mainit na pagtanggap sa kanila ng publiko at ng kanilang supporters.

Ayon naman kay Sec.Mar Roxas ang kanilang pagtakbo sa susunod na halalan ay ang laban na dapat ipaglaban para sa ating mga kababayang Pilipino.

Iniaalay umano nila ang kanilang sarili para sa bayan upang magbigay ng lalong kaunlaran sa bansa.

Samantala, sa labas naman ng Comelec office nagtipon-tipon pa rin ang supporters ng tambalang Mar at Leni, suot ang kulay dilaw na t-shirts at dala-dala ang mga tarpaulin.(Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,