Sec. Locsin, ipinag-utos ang paghahain ng Diplomatic Protest kaugnay ng Chinese Warships na namataan sa Sibutu Strait

by Erika Endraca | August 20, 2019 (Tuesday) | 1192
PHOTO : Presidential Communications

MANILA, Philippines – Iniutos ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang paghahain ng diplomatic protest kaugnay ng Chinese Warships na namataan sa Sibutu Strait.

Sa kaniyang twitter post, sinabi ni Secretary Locsin na malinaw na “Trespassing” ang ginawa ng mga Chinese Warship na nakita sa teritoryo ng Pilipinas.

Batay sa natanggap na ulat mula sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 2 chinese warship ang nakita sa Sibutu Strait nitong Hulyo at 3 naman ang namataan nitong Agosto.

Ayon pa sa kalihim, dapat lang aniyang maghain muli ang bansa ng isa pang Diplomatic Protest dahil naulit na naman ang pagpasok ng mga barko ng China sa ating karagatan.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,