MANILA, Philippines – Muling inilunsad ng Department of Health (DOH) ang school- based immunization program. Personal na binakunahan ni DOH Secretary Francisco Duque III ang ilang mag- aaral sa Signal Village National High School sa Taguig City Kahapon (July 3).
Ayon sa kalihim kailangan pa ring mapalawak ang immunization coverage sa bansa lalo na’t nag- deklara ng measles outbreak nitong Pebrero. Aniya kakaunti pa ang mga nagpapabakuna mula sa hanay ng mga mag- aaral. Mahigit 9-milyong mag- aaral ang target na mabigyan ng bakuna kontra tigdas ngayong school year 2019- 2020.
“Mababa pa rin, so iyan po mababa pa rin. That’s why we still need to aggressively pursue our national immunization program” ani DOH Secretary Francisco Duque III.
Nagsimula ng manumbalik sa National Capital Region (NCR) ang tiwala nila sa bakuna nguni’t kailangan ng agresibong kampanya para marami ang mabakunahan.
95% immunization coverage ang nais makumpleto ng doh ngayong taon upang maiwasan ang pagkakaroon ng paulit- ulit na outbreak sa Pilipinas
“May iba umiiyak dahik namatay isa dalawng anak dahil lang sa ayaw magpabakuna dahil nga bunsod ng maling impormasyon na kumakalat sa mga komunidad at minsan hindi naman talaga naippliwanag ng sapat.. Ang nagiging resulta ay amg kaaawa- awng bata na nagkakaroon ng komplikasyon gaya ng measles” ani DOH Secretary Francisco Duque III.
Libre ang bakuna kontra tigdas at booster doses ng tetanus diphteria sa mga mag- aaral mula kindergarten hanggang grade 7. Nilinaw naman ng doh na hindi sapilitan ang pagbabakuna dahil kailangan makita o ma-assess muna ang kondisyon ng isang bata at kailangan may parents’consent bago ito bakunahan.
Dagdag pa ni Secretary Duque, mababalewala ang pagpapatupad ng universal health care law sa bansa kung isasantabi ang pagbabakuna.
Samantala, naniniwala ang kalihim na unti- unti nang napapatay ang isyu ng dengvaxia scare sa bansa. Nag iingat na rin ang kagawaran upang huwag muling mawala ang tiwala ng publiko sa immunization program ng pamhalaan.
“I really should like to believe that the scare is over kung mawala na iyong fear e baka lax na naman ang mga tao, balewalain na naman hanggang sa magkaroon na naman ng another round or rounds o outbreaks which i think is unfortunate” ani ani DOH Secretary Francisco Duque III.
“Talagang bumagsak na po iyong kaso ng measles sa national capital region but hindi pa rin dapat tayo mag-relax” ani Ncr Doh Director Corazon Flores, Md
(Aiko Miguel | Untv News)