SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, sinampahan ng impeachment complaint ng VACC

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 1281

Culpable violation of the Constitution and betrayal of public trust ang ginamit na grounds ng volunteers against crime and corruption at ng vanguard of the Philippine Constitution sa kanilang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. 

Bunsod anila ito ng pagbuo ng Judiciary Decentralized Office at muling pagbubukas ng Regional Court Administrative Office sa Visayas nang walang approval ng Court En banc.

Kabilang din dito ang pag-appoint ni Sereno kay Atty. Solomon Lumba bilang kanyang staff head kahit na may iba pa itong katungkulan sa gobyerno.

Ang pagtatalaga kay Atty Jay Mendoza bilang Chief ng Philippine Mediation Office nang walang approval ng Court En banc. Sinasabing ginamit rin ni CJ Sereno ang pondo ng Korte Suprema para sa travel allowance ng kanyang staff.

Panghuli ay ang pagpapabaya umano nito sa katungkulang punan ang apat na posisyon kinakailangan sa Korte Suprema sa loob ng mahigit apat na taon. Gayunman, wala pang mambabatas na nag-eendorso dito kaya hindi pa ito maituturing na verified impeachment complaint.

Naghain din ng sarili niyang reklamo si Atty. Larry Gadon laban kay Sereno.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,