SC Associate Justice Teresita de Castro at Court Administrator Maidas Marquez, dumating na sa Kamara para dumalo ng impeachment hearing

by Radyo La Verdad | November 29, 2017 (Wednesday) | 3073

Maagang dumating sa Kamara si SC Associate Justice Teresita de Castro at Court Administrator Jose Maidas Marquez para dumalo sa pagpapatuloy ng impeachment hearing.

Inimbitahan si de Castro para malaman ang ilang impormasyon hinggil sa umano’y pagdoktor ni CJ Sereno sa ilang resolusyon at TRO sa Korte Suprema.

Habang si Marquez naman ang itinuro ng complainant na si Atty. Larry Gadon na nagsabi sa kaniyang naka business class si Sereno sa kaniyang mga local at international trips.

Ang mga ito ay nakasaad sa mga alegasyon sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno.

 

Tags: , ,