
Nakahuli ng malaking sawa sa basement parking ng isang condominium sa brgy. Talipapa, Quezon City, alas dies y media kagabi.
May sukat ang sawa na labinlimang talampakan.
Sinabi ng isang taga-barangay na maaring nagmula ang sawa sa katabing creek ng condominium.
Iti-turnover ang sawa sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.
Tags: condominium building, Quezon City, sawa

METRO MANILA – Sa pinabagong ulat ng Quezon City local government, umakyat na sa 2000 ang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 sa lungsod. Kung saan 841 sa mga ito ang active cases.
Muli namang nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga namatay sa lungsod dahil sa Covid-19, kaya’t kung susumahin ay mayroon nang 169 total deaths ang Quezon City.
Patuloy namang dumarami ang mga indibidwal na gumaling na sa sakit na ngayon ay umaabot na sa 624.
Sa ngayon ay nakipag-partner na rin ang QC local government sa isang pribadong kumpanya para mas mapalawak pa ang pagsasagawa ng rapid testing. Anila malaking tulong ito upang mas madaling matukoy at maihiwalay ang mga residenteng apektado ng Covid-19 upang agad na magamot.
Nauna nang nagpatupad ng special concern lockdown ang QC LGU sa mga piling lugar sa lungsod kung saan naitala patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Ang Quezon City ang lungsod sa Metro Manila na may pinakamaraming populasyon, at may pinakamataas na kasong naitala ng coronavirus disease.
(Joan Nano)
Tags: Coronavirus Disease, Covid-19, Quezon City

METRO MANILA – Mahigpit nang ipatutupad ng pamahalaang lungsod ng Pasay at Quezon City ang kanilang ordinansa na ipinagbabawal ang mga walang damit pang itaas.
Lahat ng mahuhuli ay pagmumultahin ng hanggang P4,000 at 1 araw na community service ang parusa sa mga lalabag dito.
Layon ng mga ordinansang ito na makapagtanim ng kabutihang asal at pagiging disente sa publiko. Samantala tanggap naman ng ilang mga residente na maganda ang intensyon ng naturang batas.
(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)
Tags: Pasig city, Quezon City
Humambalang ang isang 16-wheeled trailer truck na tumagilid sa bahagi ng North Luzon Expressway sa Balintawak, Quezon City bandang alas singko ng umaga kanina. Sakay nito ang driver na si Stephen Morones alyas Tonton, 30 anyos at ang pahinante nito na si Fernando Santillan.
Una itong sumalpok sa concrete separator at bahagi ng poste ng road sign hanggang sa tuluyan itong tumagilid sa dalawang lane ng NLEX. Walang laman ang trailer truck na naghahakot ng mga plastic bottle scraps sa North Harbor mula sa Valenzuela City.
Ayon sa driver ng truck, nakaramdam na ito ng antok hanggang sa nakatulog ito habang nagmamaneho. Nagtamo ng sugat sa paa at pananakit sa baywang ang pahinante ng truck habang iniinda ng driver ang hirap sa paglalakad. Wala namang ibang nadamay sa insidente.
Bahagyang nasira ang concrete separator at natanggal ang bahagi ng poste ng road sign ng NLEX kung saan bumangga ang truck.
Dalawang lane ng NLEX-Northbound lang ang maaaring daanan kaya’t nagdulot ito ng mabigat na trapiko sa NLEX at northbound ng EDSA.
Agad na nagsagawa ng clearing operation ang NLEX traffic control upang matanggal ang tumagilid na truck sa pamamagitan ng isang lifter. Dadalhin ang truck sa impounding area ng NLEX sa Pulilan exit.
Mahaharap ang driver sa kasong reckless driving resulting to damage to property.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: 16-wheeler truck, NLEX, Quezon City