Sapat na suplay ng mga pangunahing produkto ngayong holiday season, muling tiniyak ng DTI

by Radyo La Verdad | December 4, 2015 (Friday) | 1552

JOAN_DIMAGIBA
Patok na patok sa mga pamilihan ngayong holiday season ang mga produkto tulad ng gatas, pasta, ham, keso at iba pa.

Una nang napabalita na sa ngayon pa lamang ay nagkakaubusan na sa ilang supermarket ng ilang produktong pang holiday season tulad ng fruit cocktail.

Ngunit sinabi ng DTI, walang dapat na ipangamba ang mga konsyumer dahil mayroong sapat na suplay ng mga ganitong produkto ngayong holiday season.

Siniguro rin ng DTI na walang magiging pagtaas at pawang naayon lamang sa srp ang presyo ng mga in-demand na produkto ngayong holiday season.(Joan Nano/UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , , , , ,