Sandiganbayan, nag-isyu ng hold departure order vs dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas

by Radyo La Verdad | February 3, 2017 (Friday) | 942


Naglabas ng hold departure order ang Sandiganbayan 4th division laban kay dating Philippine National Police Chief Alan Purisima at dating PNP Special Action Force Director Getulio Napeñas.

Ibig sabihin, hindi maaring makapagbyahe palabas ng bansa ang mga ito maliban na lamang kung may pahintulot ng korte.

Si Purisima at Napeñas ay may kinakaharap na graft at usurpation cases kaugnay ng Mamasapano encounter noong 2015.

Kamakailan ay nag piyansa na si Purisima sa Sandiganbayan sa halagang 20 thousand pesos.

Tags: ,