San Miguel Holdings at Mega Structure Consortium, kwalipikadong mag-bid sa pagtatayo ng Regional Prison Facility ng BuCor

by Radyo La Verdad | July 16, 2015 (Thursday) | 1081

BUCOR
Dalawang grupo ang nakapasa sa prequalification stage para sa bidding ng Regional Prison Facility ng Bureau of Corrections.

Nakasunod sa requirements ng DOJ at BuCor ang San Miguel Holdings Corporation at ang Mega Structure Consortium na pinangungunahan ng Megawide Construction Corporation.

Nabigo namang makapasa sa bidding ang DMCI Holdings Incorporated.

Ang mananalong bidder ang magde-desenyo, magtatayo at magmamantine ng modernong prison facility na planong itayo sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Tags: ,